Lugaw hindi daw essential? May sagot ang Palasyo diyan

Viral ang post ng isang Grab delivery rider matapos siyang sitahin at harangin dahil sa paglabag sa curfew matapos maghatid ng lugaw sa isang barangay sa Bulacan.

Nakarating naman sa Palasyo ang kumakalat na video na ito kaya mismong si Presidential Spokesman Harry Roque ay sinabi na “essential” ang lugaw.

A video, which has been circulating online, has come to our attention,” ayon kay Sec. Roque.

“Lugaw, or any food item for that matter, is considered (an) essential good. Delivery of food items must remain unhampered 24/7. Huwag natin harangin sa checkpoints,” dagdag na pahayag nito.

Sa isang panayam, sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III na non-essential daw ang lugaw.

“Sabi niya kasi, non-essential si lugaw. Hindi talaga essential si lugaw. Pero kung sinabi niya na essential ang lugaw, ‘yun, tama ‘yun. Ang lugaw. Pero si lugaw ang binanggit niya. Non-essential talaga ‘yun sa pananaw namin, pahayag ni Densing.

Trending naman ngayon sa Twitter ang #LugawisEssential at sa Facebook naman ay nagpost ng picture ang Grab Food Philippines ng litrato tungkol sa lugaw is essential.

Let’s give thanks to all our Grab riders na tuloy lang sa paghatid ng ating essential needs and for always following rules and guidelines whenever, wherever! Saludo po kami sa inyo, our kuyas and ates! 💚

Use LUGAWISESSENTIAL to get free delivery on your GrabFood order! T&Cs apply.

Leave a comment