Nakapagtala muli ng panibagong mataas kaso ng COVID-19 ang Department of Health sa ating bansa ngayong July 10, 2021.
Base sa datos ng DOH, 5,675 na kaso ang naitala ngayong hapon as of 4:00pm. Nasa 1,467,119 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 dito sa bansa.
Habang nasa (94.8%) o 1,391,335 ang kabuuang gumaling na nadagdagan ng 7,552. 96 naman ang panibagong death tolls kaya nasa 25,816 na ang kabuuang death tolls.
3.4% naman o 49,968 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso dito sa bansa.
Samantala nagbigay kahapon ng statement si Presidential Spokesman Harry Roque ukol sa bagong announcement na inilabas ng IATF. Ayon sa IATF, pinapayagan ng lumabas sa mga ‘outdoor areas’ lamang ang mga batang may edad 5 pataas. Hindi pa rin umano pinapayagan na sila ay makapasok sa mga malls.
“Pinayagan ng inyong IATF na lumabas sa outdoor areas ang mga bata na may edad limang taon at pataas sa ilalim ng Modified General Community Quarantine at General Community Quarantine.”
pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon
Continue reading “LIVE COVID-19 UPDATE | 5,675 na kaso ng COVID-19, naitala sa bansa, kabuuang kaso nasa 1,467,119 na”