Tagapagsalita ng Pangulo, muling nagpositibo sa COVID-19

Kanina kanina lamang ay naglabas ng pahayag sa kanyang Facebook page si Presidential Spokesman Harry Roque na siya ay muling nagpositibo sa COVID-19.

Sa pahayag, kanyang sinabi na siya ngayon ay nasa hospital at kasalukuyang dumadalo pa rin sa meeting ng IATF.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay nagpositibo ang tagapagsalita ng pangulo sa COVID-19 at sumailalim sa ilang linggong quarantine.

I am now admitted in a hospital for Covid treatment.

This is to say that COVID-19 is more transmissible now so we have to do extra precaution.

I will announce the risk classification of the National Capital Region Plus Bubble which will be discussed in the IATF meeting today.

I am asking for your sincerest prayers to all afflicted with Covid 19 in the country and around the world.

God bless and protect us all

Presidential Spokesman Harry Roque, Facebook Page post

Sinabi din ni Roque na sa lunes na gagawin ang Talk to the People ng Pangulo dahil ito’y naudlot ng ilang araw.

Leave a comment