NCR+, ibinababa na sa MECQ

Ibinaba na sa Modified Enhanced Community Quarantine ang NCR+ , Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ito’y matapos na maisailalim nitong March 29 ang NCR + sa ECQ.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang Quezon, at Cordillera Administrative Region, kasama ang Cagayan, Isabela, Nueva Vizacaya, Batangas, Tacloban City, Iligan City, Davao City, at Lanao del Sur, ay ipasasailalim sa General Community Quarantine (GCQ).

Dapat din daw umano na maide-congest ang mga hospitals dahil sa mga dumaraming kaso ng COVID-19.

Sinabi naman ni DTI Secretary Ramon Lopez na papayagan lamang ang outdoor dining ngunit hindi ang inside dining sa ilalim ng MECQ.

“50% capacity and diagonal seating or with acrylic dividers”, dagdag niya.

Leave a comment