6,895 na kaso ng COVID-19, naitala sa bansa

Ngayong 4 PM, Abril 28, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,895 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 10,739 na gumaling at 115 na pumanaw. At 67,769 naman ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng #COVID19 sa ating bansa.

Ang kabuuang bilang ng kaso ay nasa 1,020,495.

Kanina ay nagbigay ng announcement ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ukol sa magiging curfew hours simula May 1, 2021.

Simula Sabado, Mayo 1, ay ipatutupad ang unified curfew hours sa Metro Manila mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga.

Base ito sa inaprubahang MMDA Resolution No. 21-09 Series of 2021 na pirmado ng lahat ng Metro Manila mayors.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ang mga lokal na pamahalaan sa NCR ay maglalabas ng kanilang Executive Order o ordinansa ukol sa bagong oras ng curfew at implementasyon nito sa kanilang nasasakupan.

Pinagaaralan pa umano ng IATF ang mga magiging hakbang at ang pagiimplementa ng bagong quarantine classifications para sa buwan ng Mayo.

Leave a comment