Opinion | “IKOT-IKOT LANG”

Between March 17 May 31 2020 itinalaga ng pamahalaan ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong NCR dahil sa naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa. Inananounce ito ni Pangulong Rodrigo Duterte noong March 16, 2020 isang araw bago ang simula ng ECQ.

Nitong April 29, 2021 inilagay muli ng gobyerno ang NCR sa panibagong Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang May 11, 2021 upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Tayo ay nakadalawang ECQ na, noon ay noong 2020 at ngayon naman ay 2021. Binansagan pa nga ito ng nakararami na “ECQ 2.0”.

Sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 ay gayundin din ang lumolobong utang ng ating bansa mula sa World Bank na trillion na. Ngunit hanggang ngayon ay nanatili pa din tayo sa walang katapusang lockdown na patuloy na isinusulong ng ibang grupo.

Marami sa atin ang sawang-sawa na sa pananatili sa kani-kanilang mga tahanan lalo na ngayon at mainit pa ang panahon. At karamihan din sa ating mga kababayan ay wala pa ring trabaho dahil sa lockdown at pandemya.

Kagabi lang(May 13, 2021) sa regular na weekly Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte ay inaanounce ang bagong quarantine classification ng ating bansa. Ang buong akala ko ay maeextend na naman ang walang katapusang MECQ na umiiral kamakailan lang sa buong NCR plus.

May nalalaman pa silang pa plus plus at flex flex ano?

Inannounce na nga na ang NCR Plus ay napasailalim sa GCQ na, pero……….. may kasamang “with heightened restrictions”. Ibig sabihin ay limitado pa din ang ating galaw hindi kagaya ng orihinal na GCQ na kahit papaano ay medyo malaya tayo ng kaunti.

Hindi pa rin pinapayagan ang paglabas ng mga 65 pataas at 18 pababa. At ang religious gatherings naman at mga wakes, funerals ay nasa 10% lamang. Habang ang dine in services naman ay 20% capacity lamang ang allowed.

Hindi nako nanibago sa bagong quarantine classification dahil ulit ulit lang naman ang nangyayari every month. Sabi nga sa kanta ni Sarah Geronimo, “Ikot Ikot lang, ikot ikot ikot lang.”

Lilipat ng GCQ, maya-maya curve pataas ang kaso at papasok na naman si OCTA Research para magrekomenda na naman sa IATF na “Itaas niyo ulit sa ECQ o di kaya naman ay MECQ.”

Kung ako man ang tatanungin kung dapat na bang buwagin ang OCTA, abay talagang oo at dapat from the start pa lang. Puro predictions? Graphs? What’s nex

Palipat lipat lang ang mangyayari diyan, as what I’ve said before “Ikot ikot lang” yan. No changes, and about the vaccines naman still napakalayo pa natin masyado para maabot ang herd immunity na kinakailangan natin laban sa COVID.

I would suggest to the gov’t na alisin ang “liquor ban at curfew” dahil this two things are senseless. Paulit-ulit lang tayo diyan.

Leave a comment