“Ang ibang mga bansa ay malapit nang maabot ang pinakainaasam-asam na tagumpay laban sa COVID-19. Sana ay ganoon din tayo, huwag dapat tayong mapagiwanan sa labang ito.”
Sa ating patuloy na laban kontra COVID-19, kailangan natin ang patuloy na pagiingat upang tayo ay hindi mahawaan at hindi makahawa. Ang ating mga kaso ng COVID ay pumalo na sa 1,000,000 plus, at isa sa maganda dito ay sumasabay at tumataas pa ang mga naitatalang recoveries mula sa COVID-19.
Ikinalulungkot lang natin na araw-araw ay may mga taong namamatay dahil sa COVID-19. Ngunit mapipigilan natin ito kung tayo ay magkakaisa at susunod sa itinakdang minimum health standards upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
“We must not left behind in this fight”, isa sa mga popular na kasabihan ngayon dahil tila ba mukhang nahuhuli ang ating bansang Pilipinas sa laban kontra COVID-19. Sa bakunahan, nakakahabol naman tayo dahil nasa 4 million na ang mga nabakunahang Pilipino. Ngunit masyado pang maaga upang magdiwang dahil wala pa ito sa kalahating porsyento upang maabot ang herd immunity na ating kinakailangan.
Ang pagkakaisa ang ating pinaka-kinakailangan ngayon dahil sa mga pagsubok na dumaraan sa atin ngayon. At nakakatuwa dahil ito ay nakikita natin mismo ngayon. Lipana pa rin ang mga “community pantry” na layuning makapagbigay ng tulong sa mga mahihirap na pamilya. Kahit anumang halaga ay makakatulong ka na at makakapagbigay na ng inspirasyon sa ibang tao na tumulong din.